Friday, February 6, 2015

Peace in #Mindanao is possible only after an UNCONDITIONAL surrender by ALL armed terrorists there #Bangsamoro


Here's an enlightening view on the Mindanao problem and the perceived need for the Bangsamoro Basic Law from Philip Asperga, a Muslim who was born and has lived in Mindanao all his life. Please read so we'd all be enlightened about the problem amidst the din of clashing voices regarding the "need to pass the BBL":

Ako ay ipinanganak at lumaki sa Mindanao. Ang aking mga anak at apo ay dito din ipinanganak at lumaki.Kung mayron man nakakakilala sa mga MUSLIM kami yon na mga ipinanganak at lumaki dito sa Mindanao at hindi ang mga nasa Luzon o kaya sa Visayas. May mga kamag-anak ako na ang kanilang asawa ay muslim at lahat sila ya nagpaconvert sa Muslim. Ngunit hindi namin pinigilan dahlia sa maliban na karaptan nila yon, wala naman masama sa Reliheyon ng Muslim. Masaya naman ang lahat dahil ang pinaiiral namin ay respito sa isat isa. Marami din ako kaibaigan na muslim.

Lahat ng muslim na naghahanapbuhay dito sa bayan namin ay masayang nakikihalabilo sa mga kristyano. Ang tunay na muslim ay ayaw ng gulo.

Ang kaguluhan na nangyayari sa Minandao ay hindi dahil sa Reliheyon o kaya ay may hidwaan ang MUSLIM AT KRISTIYANO. Ang kaguluhan dito ay dahil sa mga taong ang tanging hangarin lamang ay KAPANGYARIHAN para sa pansariling interes. Ang gulo sa Mindanao ay dahil sa mga TERORISTA.

Dahil sa hangarin ng MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT na makuha ang Mindanao ay kinasangkapan nito ang Reliheyon ng ISLAM at pinaniwala ang karamihan sa mga MUSLIM na kanila ang Mindanao. Dahil sa takot napilitan na sumunod ang ibang muslim kahit na ito ay labag sa kanilang kalooban.

Pinagpipilitan ng MILF na pagmamay-ari ng MUSLIM ang Mindanao. Ngunit kung kasaysayan ang pagbabatayan, bago pa man dumating ang mga Muslim sa Mindanao ay mayorn nang mga tao na naninirahan dito. Ito yong mga tootoong taga Mindananao. Ito ay ang tribu ng BLA'AN, T'BOLI, TAGAKAULO, BAGOBO at SUBANEN. Ang mga Muslim ng dumating dito sa Mindanao ay bumili lang ng kapirasong lupa sa isa mga Tribu na ito sa tabing dagat.

Ngunit hindi ito ang issue dito. Ang usapin ay ang paghasik ng MILF ng terorismo na pinabayaan ng gobyerno lalo nang pamahalaang ito. Ang mga bombings, kindnnapping at halos lahat ng terorismo ay may kaugnayan sa MILF. Ngunit wala man lang ginawa ang gobyerno upang papanagutin sa batas ang MILF mula sa pinuno nito. Ang paglusob ng MILF sa Kolambugan, Lanao Del Norte may ginawa ba ang gobyerno upang maparusahan sila? WALA, dahil hanggang imbistigasyon lang. Nabigyan ba ng hustisya ang mga pobreng nagbebenta ng gulay sa General Santos city na namatay at nasugatan dahil sa pambobomba?WALA!

Imbes na parusahan ang mga teroristang ito sa ilalim ng batas, ang ginawa ng kasalukoyang namumuno ay pumasok sa isang kasundoan. Ito ay pagpapakita lamang na sumoko ang gobyerno sa mga terorista.Habang nakikipag-usap ang gobyerno sa MILF para sa kapayapaan, hindi nito namamalayan na unti-unti nang bumabaon sa kanyang likod ang punyal ng MILF.

Lahat po kami dito sa Mindanao ay gusto ng kapayapaan. Ngunit habang naghahari ang mga terorista dito walang kapayapaan.

Sapilting itinutolak ng Pangulong Aquino ang BANGSA MORO BASIC LAW kahit na ito ay labag sa SALIGANG BATAS. Ang pagpipilit na matapos ang gulo sa Mindano ng hindi naayon sa batas ay isang malaking kalokohan.

Ang nangyari sa Mamasapano Maguindanao kung saan 44 na SAF member ang namatay ay isang patunay na ang MILF ay hindi sensero sa usapang pangkapayapaan. Ang gobyerno ay bumoo ng board of inquiry na syang kakalap ng impormasyon kung sino talaga ang dapat na managot. At ngayon balak na naman ng senado na bumoo ng truth commission na ang pipili ng tao na buboo nito ay ang pangulo. Isa itong malaking kalokohan.

Sige may pagkukulang ang SAF na pumasok doon dahil walang coordinasyon. Ngunit hindi maikakaila na ang brutal na pumatay sa kanila ay BIFF, MILF at PRIVATE army ng isang political clan doon. Totoo na mayron kasunduan ang MILF at gobyerno ngunit hindi ibig sabihin nito na immune na sila sa batas. Command responsibility dapat na managot ang pamunoan ng MILF sa nangyari. Ngunit taliwas sa inaasahan ng taongbayan lalo na ng taga Mindanao, habang nagluluksa at nagdadalamhati ang buong bansa sa nangyari sa SAF 44 ang pangulo ay masayang pumunta sa isang car company. At ang masaklap pumunta ang GRP PANEL sa Malysia upang pag-usapan ang decommissioning ng mga armas ng MILF. ISANG MALAKING KALOKOHAN. Kung talagang totoo ang MILF sa usapang pangkapayapaan dapat siya na mismo ang magsurender ng kanyang mga tauhan na responsible sa pagmasaker sa SAF.

Sabi ng pamahalaan sasampahan ng kaso ang lahat ng sangkot sa pagmasaker sa SAF 44. Ang tanong sino huhuli ang sa mga teroristang iyon? Kung huhulihin man hindi kaya magkaputokan ulit? Isusuko kaya ng pamunoan ng MILF ang kanyang mga tauhan? Dahil sa pagnanais ng Pangulong Aquino na matuloy ang BBL lahat ng biktima ng terorismo ng MILF kasama na ang SAF 44 ay hindi mabibigyan ng hustisya. Mababaon lang sa limot. Hanggat maaga pa sana kalagan na ng pangulo ang batas na kanyang ginapos laban sa mga teroristang ito.

Hanggat pinababayan ng gobyerno ang paghahari at pagdami ng MILF, BIFF, ABUSAYAF at iba pang terorista walang kapayapaan sa Mindanao.

Ang pagsali sa LABING TATLO na probinsya ng Mindanao sa BBL ay posebling magdulot ng mas malaking gulo. Dahil ang mga ILOCANO,CEBUANO, ILONGO, BOL-ANON at iba pa na tribo naninirahan dito ay hindi malayong hahawak ng armas upang ipagtanggol ang kanilang ari-arian at kabuahayan.

Sana bago ituloy ng pangulo ang BBL ay pag-isipan nya muna ng mabuti. Huwag nya sana tingnan lang kapakanan ng MILF. Ang Mindanao ay hindi pag-aari ng MILF o kung nang sino man. Ang Mamasapano at buong Mindanao ay hindi teritoryo ng MILF o ng kahit na sinong terorista. Ito ay pagmamay-ari at sakop ng teritoryo ng REPULIKA NG PILIPINAS.

Ang kapayapaan ay makakamit lamang kung

1. SUSUKO ANG MILF at LAHAT NG TERORISTA NG WALANG KAPALIT (UNCONDTIONAL SURRENDER.

2. KUNG LALAYAS SA PILIPINAS ANG MILF AT LAHAT NG AYAW SA SUMUNOD SA UMIIRAL NA BATAS SA PILIPINAS.

3. HIGIT SA LAHAT KUNG BUONG TAPANG NA IPATUPAD NG GOBYERNO ANG BATAS.

Hindi MUSLIM ang sanhi ng gulo sa Mindanao. Ang nagdudulot ng gulo sa Mindanao ay ang mga taong nagsasabi na sila ay MUSLIM ngunit hindi naman at ito ay ang MILF, ABUSAYAF BIFF at ibang teroristang grupo.

Sana ang INTGRATED BAR OF THE PHILIPPINES (IBP), VOLUNTER AGAINST CRIME AND CORRUPTION ay gumawa ng legal na hakbang upang harangin sa SUPREME COURT ANG BBL.

Sana huwag na ituloy ng mga mambabatas ang pagsasabatas ng BBL. Sana tingnan ng pamahalaan ang pangkalahatan at hindi ang kapakanan ng MILF lang.

ALL OUT JUSTICE FOR ALL THE VICTIMS OF MILF TERRORISM!

ALL OUT JUSTICE FOR THE GALLANT SAF 44!

Ang pagbuo ng BANGSA MORO BASIC LAW ay magbibigay ng kapangyarihan sa MILF na bumoo ng sarili nilang army at pulis na kalaonan ay mas magiging malaking problem ng bansa. Ang BANGSA MORO ay magiging training ground at taguan nga mga terorista mula sa ibang bansa. Kaya habang maaga pa kailangan na mapigilan ang pagpasa ng BBL sa kongreso.

Ang MILF at iba pang teroristang grupo ay walang ibang alam na salita kundi ang dulo ng baril. Walang totoo sa mga salita na maririnig mula sa kanila, kaya hindi dapat na pagkatiwalaan.

Sana magkaisa ang lahat laban sa pagpupumilit ng Pangulong Aquino na maaprobahan ang BBL. Kapakanan ng lahat ng buong bansa ang dapat niya na unahin at hindi ang kanayang pansariling enterest at kanyang kaugnayan sa MILF.

NO TO BBL!

--------------------
This is a GRP Featured Comment. Join the discussion!
http://getrealphilippines.com/blog/2015/02/do-filipino-islamic-terrorists-deserve-to-be-treated-as-equals-by-the-philippine-government/comment-page-1/#comment-1088699

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...