Let us not miss the point: Let us stick to the public accountability provisions of the Constitution #porkbarrel
"Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives." - Sec. 1, Art. XI, ACCOUNTABILITY OF PUBLIC OFFICERS, 1987 Constitution.
Ano po ang ibig sabihin nito?
Ang ibig pong sabihin nito ay ang LAHAT NG OPISYAL AT EMPLEYADO NG GOBYERNO na pinagkatiwalaan ng pondo, pera o anumang resources o asset ng bayan ay may tungkuling panagutan at i-report ang lahat ng nangyari sa mga pondo, pera, resources o asset na ipinagkatiwala natin sa kanilang pag-iingat, pati na rin ang magbigay ng malinaw na accounting sa mga ito. May tungkulin SILANG LAHAT na ipaliwanag sa atin kung paano ginamit ang mga iyon nang mabuti, walang tapon, walang sayang at walang ninakaw.
Mayroon po bang exception dito?
Wala po. Ang mga tungkuling ito at responsibilidad ay mandato ng ating Constitution, Walang sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno ang walang pananagutan sa mga pondo, pera, resources o assets ng bansa na nasa kanilang pag-aalaga. Hindi kailanman nagiging kanila ang pag-aari ng bayan maski sila ang may hawak o kontrol sa paggamit at paggastos.
Sinu-sino po ang may public accountability sa PDAF?
Ang PDAF ay perang pag-aari ng bayan. Ang mananagot po dito ay ang LAHAT ng opisyal o empleyado ng gobyerno na pinagkatiwalaang humawak nito o nagkaroon ng partisipasyon sa paggamit nito.
Kasama po ba dito si Janet Napoles halimbawang ang mga NGO na siya ang nagmamay-ari at nag-kokontrol ay tumanggap ng pera mula sa PDAF at ang mga perang ito ay hindi pinakinabangan ninuman maliban sa NGO na tumanggap?
Hindi po. Wala pong public accountability si Napoles. Ang mananagot po base sa public accountability ng Constitution ay mga opisyal na may kinalaman o partisipasyon sa lahat ng prosesong naganap upang ang pera ng bayan ay napasakamay ni Napoles.
Ang ibig sabihin po ba noon ay walang nagawang krimen si Napoles kung sakali mang iyun nga ang nangyari?
Hindi po. Bagamat walang public accountability si Napoles, kasama po siyang mananagot sa bayan kung sakaling na-uwi sa nakaw ang mga perang ipinagkaloob ng mga mambabatas sa kaniyang mga NGOs. Kung may plunder na naganap ay isa pong principal by direct participation si Napoles kaya equally guilty po siya sa crime of plunder.
Ang mga mambabatas na nag-indorso, nagpahintulot o nagkaroon ng partisipayon sa pagkawalang pakinanbang ng kanilang PDAF ay mayroon bang pananagutan sa bayan?
Opo, malinaw po iyon. Ang salapi po ng bayan sa pamamagitan ng PDAF ay ipinagkatiwala natin sa kanila, kaya tungkulin po nila na pag-ingatan, panagutan at patunayan sa atin na walang nasayang, natapon o na-uwi sa nakaw sa lahat ng salaping pansamantala nating pinahawakan at ipinagkatiwala sa kanila.
Paano naman po iyung mga pahayag ng mga mambabatas na wala naman daw napunta sa bulsa nila at upang managot sila ay kailangan pa raw patunayan na may naging pakinabang sila sa mga perang nawala mula sa PDAF. Tama po ba iyon?
Hindi po. Nang magkaroon sila ng kontrol kung ano ang gagawin nila sa PDAF, hindi po ibig sabihin noon ay maaari nilang gawin anumang gusto nila. Ang gusto po nilang gawin ay tanggapin po natin ang paliwanag nila na dahil pinasa na nila ang pondo sa NGO ay yung NGO na ang dapat mag-accounting nung pera. Mali po iyon. Bagamat wala namang masama per se sa isang NGO, ang naging masama po dito sa PDAF ay naging practice po ng mga mambabatas at ng mga implementing agencies na ipagkaloob ang pera ng bayan sa NGO at hintayin na lamang ang accounting o liquidation na gagawin ng nasabing NGO. Labag na labag po sa batas natin ito.
Bakit po labag sa batas iyon e matagal na pong nangyayari iyon ng walang nagrereklamo o nakakasuhan ng pagwawaldas o pandarambong?
Kaya po labag sa batas ang practice na iyon ay mayroon pong katumbas iyon na ang pera ng bayan na pansamantalang ipinagkatiwala sa ating mga mambabatas at iba pang opisyal ay ibinibigay, ipinagkakaloob at ipinauubaya nila sa isang private entity kalakip ang public accountability na ang gusto nilang palabasin na naisalin na rin sa private entity na iyon. Lahat po ng pagbitaw ng pera ng gobyerno ay mayroong dapat na legal na basehan o kapalit. Sa mga pera mula sa PDAF na ipinagkaloob sa mga NGO, maging konektado man o hindi kay Napoles, ang mga grants na iyon ay walang kapalit kundi kawanggawa o abuloy, sa madaling salita ay DONASYON.
Bawal po bang magbigay ng donasyon ang gobyerno?
Hindi po. Maaari pong magbigay ng donasyon ang gobyerno basta ang pagbigay nito ay kayang i-justify ng nagbigay at kayang i-accounting ayon sa principles of public accountability.
Ang pagkaloob ng pondo sa mga NGO, kaya bang i-justify o i-accounting ng nagbigay?
Kung ang NGO ay ang siyang "needy end-user" ng grant ay posibleng mai-justify o mai-accounting ng nagbigay ang pera mula sa PDAF. Ngunit kung ang pagbibigay ng pondo sa NGO ay lump-sum at ibinato sa NGO ang pag-justify, pag-accounting at pag-liquidate ng pondo, bawal po iyon at labag sa saligang batas natin sapagkat ang public accountability ay hindi kailanman maaaring ipasa o isalin sa private entity or individual. Ito po ang gusto nilang palabasin: na wala na silang sagutin sa pag-a-accounting at pagli-liquidate ng pera sakaling napunta na sa NGO yung pondo.
Malinaw po ba na may mga anomalyang naganap sa paggamit ng PDAF?
Mas maliwanag pa po sa sikat ng araw. Ang mga mambabatas at wala ng iba ang dapat mag-accounting at mag-liquidate ng kanilang PDAF dahil sa kanila ito pansamantalang ipinagkatiwala ng taumbayan. Ang pagbigay ng pondo o pera sa mga NGO in a lump-sum manner for the NGOs to spend at their will, donate as they desire or utilize at their pleasure ay masyadong irregular at anomalous at directly violative of the Constitution. WALA PONG PUBLIC ACCOUINTABILITY ANG MGA NGO. Hindi po maaaring mawalan ng government official na accountable sa government funds.
Bakit po ang direksyon ng lahat ng usapin, mga imbestigasyon at pati ang audit na isinagawa ng COA ay ibig tumunton kung paano ginamit ng mga NGO yung pondo?
BECAUSE THEY EITHER MISS THE REAL POINT OR THEY JUST SIMPLY WON'T GET REAL. ALL THEY HAVE TO DO IS STICK TO THE PUBLIC ACCOUNTABILITY PROVISIONS OF THE CONSTITUTION AND THEY COULD EASILY DETERMINE THAT BILLIONS AND BILLIONS OF OUR MONEY WERE DELIBERATELY MISUSED AND MISAPPROPRIATED. Hindi na po kailangan ang testimoniya ni Napoles, DOKUMENTADO PO LAHAT ANG MGA GINAWA NILA. HUWAG PO TAYONG MAGPALOKO AT PUMAYAG NA MAPAIKOT-IKOT. SIMPLE LANG LAHAT ITO: LET ALL THOSE ACCOUNTABLE BE RESPONSIBLE.
(Sent in by a reader via Facebook.)
To Whom It May Concern,
ReplyDeletePlease be guided, accordingly, and follow your conscience!
Poor Laymen
cc: IBP- National Chapter
ay hindi alam ni senator estrada to.
ReplyDelete