Let us not miss the point: Let us stick to the public accountability provisions of the Constitution #porkbarrel

"Public office is a public trust. Public officers and employees must, at all times, be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency; act with patriotism and justice, and lead modest lives." - Sec. 1, Art. XI, ACCOUNTABILITY OF PUBLIC OFFICERS, 1987 Constitution. Ano po ang ibig sabihin nito? Ang ibig pong sabihin nito ay ang LAHAT NG OPISYAL AT EMPLEYADO NG GOBYERNO na pinagkatiwalaan ng pondo, pera o anumang resources o asset ng bayan ay may tungkuling panagutan at i-report ang lahat ng nangyari sa mga pondo, pera, resources o asset na ipinagkatiwala natin sa kanilang pag-iingat, pati na rin ang magbigay ng malinaw na accounting sa mga ito. May tungkulin SILANG LAHAT na ipaliwanag sa atin kung paano ginamit ang mga iyon nang mabuti, walang tapon, walang sayang at walang ninakaw. Mayroon po bang exception dito? Wala po. Ang mga tungkuling ito at responsibilidad ay mandato ng ating Constitution, Walang sinumang...